Learn these traditional Filipino words to widen your vocabulary. As Filipino, or Tagalog, makes extensive use of loanwords from other languages it is easier to learn.

Here are 10 uncommon and beautiful words that could question your knowledge on the Filipino. You can use it for essays and everyday living.

Kampit (knife)

Kutsilyo; ginagamit sa paghahati, gawa sa bakal o tanso (matalim), kadalasang pinatulis sa isang gilid at harap, na kinabit sa hawakan.

Halimbawa: “Jose, pakihasa ang kampit na nakalagay sa lamesa.”

Marahuyo (charm; to be enchanted)

Labis na pagkabighani ng isang tao, tipong mahihikayat, magayuma o maakit mo siya sa kahit anong gusto mo; pwede rin sa layuning sekswal.

Halimbawa: Tulungan nating marahuyo ang mga kabataan na iwasan ang teenage pregnancy.

Halgambilang (score)

Bilang ng puntos ipinahayag sa pamamagitan ng isang numero, titik, o iba pang simbolo.

Halimbawa: 20 ang halgambilang na dapat makamit upang makapasa.

Muni-muni (meditate)

Pagninilay-nilay o pag iisip-isip

Pag iisip ng malalim,pagtutuon ng pansin, pag-iisip ng mabuti, pagmumunimuni, paggunamgunam, pagkukurokuro.

Halimbawa: “Ako’y magmumuni-muni muna bago magdesisyon.”

Marilag (beautiful)


Magandang babae at galing ito sa salitang dilag.

Halimbawa: Si Laureen ay marilag.

Sapantaha (suspicion)


Isang pakiramdam o pag-iisip na ang isang bagay ay posible, malamang, o totoo; maingat na kawalan ng tiwala.

Halimabawa: “Hindi nabibigo ang aking sapantaha kung kaya’y malamang ay hindi tatagal iyang negosyong iyan.”

Salipawpaw (airplane)


Isang uri ng sasakyang panghimpapawid.

Halimbawa: Ang bata ay tuwang-tuwa nung soya’y nakakita ng salipawpaw.

Karinyo (affection)

Isang banayad na pakiramdam ng pagmamahal o pagkagusto.

Halimbawa: Kita ang kaniyang karinyo sa pagyakap at pagsuyo.

Pahimakas (last will)


Nagsisilbing huling paalam o huling habilin.

Halimbawa: Ang pahimakas ni Dr. Jose Rizal ay inisalin ni Andres Bonifacio sa wikang Tagalog.

Pinilakang-tabing (Silver-screen)

Isang larangang sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriyang libangan.

Halimbawa: Si Joseph Estrada ay sikat sa panilakang-tabing bago siya pumasok sa politika.

Some Pronunciations with examples (Sapantaha, Salipawpaw, Karinyo)

Leave a comment